“Di sinasadyang nasagi po ng inyong anak ang laman-lupang iyon kaya’t ganun na lang ang galit nito at binigyan ang inyong anak ng mapupulang pantal!”
“Ano pong gagawin namin para mawala ang galit ng engkanto upang tuluyan nang gumaling ang aking anak?”
Kaagad nagpunta ng kusina ang mala-albularyong si Romi at duon naghanap ng maibibigay na solusyon. Isang langis na may kahalong ugat sa loob ng isang maliit na bote ang kanyang nakita at ibinigay sa umaasang pasyente.
“Ito na lang ang nag-iisang pinakamabisa at pinakamalakas na pangontra ng aking yumaong ama laban sa mga diyablo at impakto. Kung ibibigay ko pa sa inyo ‘to…”
“Sige, babayaran ko kahit magkano masiguro lang ang tuluyang paggaling ng aking anak”.
Agad kinuha ng galanteng ina ang pitaka at iniabot sa manggagamot ang tatlong libo para sa gamot. Bago iniabot ni Romi sa ina ang gamot, humirit
pa ito!
“Sapat na po sana ito. Kaya lang po, dahil mag-iisambuwan pa lang mula nang pumanaw si ama, kailangan pa po…”“Naiintindihan kita. Malaki na rin ang utang na loob ko sa albularyo mong ama. Ilang beses nya na rin ako noon napagaling sa iba’t ibang karamdaman at napabalik sa aming tahanan ang aking mister. Noon kahit anong pilit ko sa kanyang mag-abot ng bayad, di niya ito tinatanggap pero ngayon bilang abuloy na rin at pagpapasalamat heto dodoblehin ko pa iyan!”
Pagkabigay ng pera, lumulan na sa kanilang sasakyan ang mag-ina upang makauwi na sa layo ng kanilang pinanggalingan.
Tuwang-tuwa naman ang nagpapanggap na si Romi. Malapit na naman ang buwan ng Abril sa kanilang baryo at tulad ng nakagawian, dinarayo pa ng mga tao ang kanilang bahay mula sa malalayong lugar upang magpagamot at magpahula noon sa kanyang nasirang ama. Isang magaling at kilalang albularyo kasi ang kanyang amang si Mang Ambo. Lahat ng mga sakit lalo na ang kulam o anumang gawa ng mga impakto ay kaagad niyang napapagaling at lahat halos ng kanyang mga hula ay nagkakatotoo. Wala pang isang buwan nang pumanaw ang kanyang ama mula sa bangungot kaya’t hindi pa halos nakararating sa malalayong kakilala at mga napagaling na nuon nito ang balita. Ang mandarambong na si Romi, ang nag-iisa at suwail nitong anak ang nagpatuloy kuno sa kanyang gawain upang makalikom ng pera. Ginaya niya muna pansamantala ang istilong ginagawa nuon ng kanyang ama. Bukod sa pagiging tambay at walang mapagkunan ng pera, minabuti nya munang mang-‘raket’ sa mga dati nang pasyente ng kanyang ama. Karamihan pa naman sa mga ito ay may-kaya at napagaling na rin noon ng kanyang ama kaya’t madali niyang napaniwala ang mga ito na kung ano ang puno ay siyang bunga! Agad na tinungo ni Romi ang pasugalan sa kalapit-bayan upang palaguin pa ang na-raket na pera. Subalit hindi lahat ng swerte ay nasa kanya. Imbes na lumago ay naubos pa ang anim na libong dala niya.
“Punyeta! Paano akong makakaipon nito patungong Maynila, nasa-id pa ang perang nagoyo ko!”
“Easy ka lang pare! Nakikita mo ba ‘yung matandang mayaman na tumalo sa atin?”
“Oo pare! Alam ko na ang nasa isip mo!”
Agad nilapitan ng dalawang hoodlum ang kanina pa tuwang-tuwang matanda sa sunud-sunod na panalo. At humirit na si Romi sa anyong natatakot!
“ Ba…Bakit!”, tanong ng matanda.“Manong, kasi ho, nakita ko po kayo kanina na walang ulo!”, ani Romi.
“Ha!!!” Sa anyong pagtataka at pagkagulat.
“At ibig sabihin nang pangitaing iyon, may masamang mangyayari sa inyo. Nagbabadya iyon ng kamatayan!”
Malakas na tawanan ang pumalibot sa buong sugalan habang takot ang bumalot sa buong mukha ng matanda, mapamahiin pa naman ito.
“Kung hindi nyo naitatanong, anak ‘yan (si Romi) ng magaling na ‘psychic’ dito sa aming baryo at minana nyan ang ‘third eye’ ng kanyang ama!”, mas malakas pang tawanan ang sumunod!
Pagka-alis na pagka-alis ng matanda sa sugalan, agad na sinundan ito nina Romi. Habang hinahabol ang sinusundan ay nagtakip muna ng mukha ang dalawang lalaki at pagdako sa pinakamadilim na parte ng lugar…
“Holdap ‘to! Ibigay mo lahat sa amin ang pera’t alahas mo!!!”
Dala ng takot at sa sinabi sa kanya kanina, walang pagtutol na ibinigay niyang lahat ang pera’t alahas sa katawan.
“Sabi ko sa’yo eh, may masamang mangyayaei sa inyo. He! He! He!”
Nanginginig habang hawak ang sumisikip na dibdib ng matanda nang iwan ito ng dalawang lalaki. Hindi na nakapagsalita pa ang matanda upang humingi ng tulong sa stroke na sinasapit nito hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa lupa.
“Pare natuluyan na si tanda!”
“Mabuti nga sa kanya. At least hindi siya namatay sa ating mga kamay. Hindi na gaanong mag-iisip ang mga tao gayung atake sa puso ang ikinamatay niya. Wala na tayong kasalanan dyan, malinis lang tayo trumabaho!” “Dagdag patotoo pa ‘yan sa mga tao sa atin na may ‘powers’ ka ngang minana mula sa i0yong ama dahil naging totoo ang biro mo kanina”, dagdag pa ng kasama ni Romi bago nila tuluyang nilisan ang lugar.
Naging usap-usapan ang pagkamatay ng matanda sa kanilang baryo. Samantalang si Romi, patawa-tawa lang matapos mapaghatian ang naholdap na pera’t alahas. Ngunit hindi pa rin siya nakuntento dito at ninais nyang mapalago pa ito bago tuluyang lisanin ang kanilang baryo patungong Maynila. Gaya ng una, itinuloy niya ang ginagawang pagpapanggap lalo na’t sumasang-ayon sa kanya ang panahon. Sumapit na ang buwan ng Abril kaya’t tulad ng nakasanayan, dinarayo na ng ilang mga taong napagaling na noon ng kanyang ama. Bagamat may duda ang ilan, ang kagalinga’t kabaitan noon ng kanyang ama ang nagdala sa pangalan ni Romi.
Walang pakialam sa kung ano ang ginagawa, samu’t saring damo, ugat, at dahon ng kung anu-anong halaman ang pinaghalo-halong pinakuluan ni Romi may maibigay lang lang sa mga humihingi ng gamot. Hindi lang basta bigay, kaunting drama pa ng “konting tulong at abuloy lang po sa yumao kong ama” ang maririnig mong kapalit. Gayung tanda na rin ng pagpapasalamat, taos puso namang nagbibigay ang karamihan lalo na’t may kaya ang ilan sa kanila. Ang ibang walang maibigay, prutas at gulay na lang ang iniaabot subalit tinatanggihan ito ni Romi sa dahilang marami na raw silang tanim nito at mas mahalaga na sa ngayon ang pera pagka’t marami ka pang maipapalit na pangunahing kaya’t napipilitan pang mangutang ang ilan. “Business first before others” kaya’t ang ilang amoy anda’t makapal ang bulsa ay lagi niyang inuuna sa pila. Ang ilang di kayang ‘maglagay’, binibigyan niya na lang ng botelya’t pina-aalis na kaagad gayong simpleng trangkaso lang daw ang sinapit nila.
Bagamat may konting takot pa ri’t pangamba na baka may makahalata, sa loob ng tatlong araw na pagpapanggap ni Romi, humigit – kumulang na sa tatlumpung libong piso na ang kanyang nalikom. At sa pagkakataong ito, handa na siyang lisanin ang kanilang lugar patungong Maynila upang duon na magsimula ng bagong pamumuhay bago pa man siya mabuko. Subalit kahit balewala na sa kanya ang ginawa nilang krimen sa pagkamatay ng matanda, animo’y nag-iwan pa rin ito ng ‘trauma’ sa kanya pagkat sa di malamang dahilan o pagkakataon nga lang kaya, ilan sa maysakit na nagpupunta sa kanya, animoy guni-guni sa unang tingin, nakikita niya muna itong ‘Walang Ulo’!!!
Kaba sa unang pagkakita subalit matapos niyang maikurap ang kanyang mga mata, may ulo na uli ang pasyente kaya’t nakahinga na siya ng maluwag at nasabing”hay, guni-guni lang pala” at nakumbinsi na ang sarili na marahil kumakatok lang ang kanyang konsyensya sa kasalanang nagawa o baka paraan lang ito ng pagpaparamdam sa kanya ng namatay na matanda. Matapos niyang manggamot kuno sa huling pasyente, isang ale pang may karga-kargang 3 gulang na bata ang hahabol pa sana sa panloloko niya. Subalit sa maruming kasuotan at anyo nitong dukha, hindi na niya ito pinag-aksayahan pa ng panahon at pinababalik niya na lang kunwari ito bukas sapagkat naka-alis na siya bukas sa baryong iyon, wala rin naman siyang makukuhang pera rito kahit pa mangiyak-ngiyak na nagmakaawa ang aleng ipagagamot sana ang maypilay na anak.
Malalim na ang gabi. Naihanda nang lahat ni Romi ang mga damit na dadalhin bukas pagluwas ng Maynila. Sabay ng mga ‘tiktak’ ng orasan, di niya maipaliwanag ang nararamdamang kaba kaya’t minabuti niyang tingnan ang orasang nakasabit sa dingding katabi ng isang nakatayong salamin. Sakto alas-dose na ng hating-gabi at sabay ng pagtingin niya sa orasan, di sinasadyang napalingon siya sa salaming katabi nito at nagimbal siya sa kanyang nakita! Presto! Kitang-kita niya ang kanyang sarili sa salamin na WALANG ULO! Paulit – ulit niyang kinuskos ang mga mata na baka namamalik-mata lamang siya ngunit anumang kuskos o pagkurap na gawin niya, nananatili pa ring WALANG ULO ang kanyang sarili sa salamin! Lalo pa siyang kinilabutan ng isang aninong nakatalukbong ng itim ang napansin niyang nasa likuran ng sariling WALANG ULO sa salamin. Kaagad niyang tinungo ang papag at pipilitin pa sanang itulog na lang ang sarili subalit pauli-ulit na sumasagi sa isip ang nasaksihan lalo na’t naalala niya pa na ‘KAMATAYAN’ ang ibig sabihin nito na sinabayan pa ng alulong ng aso sa labas.
“Hindi! Hindi totoo ‘to! Hindi ako magpapa-apekto! Minumulto lang ako ng bwisit na matandang iyon!!”
Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagdalawang –isip na umalis na kaagad sa kanilang bahay sa oras ding iyon. Dali-dali niyang kinuha ang isang malaking maleta laman ang mga damit at perang nakulimbat, baka maabutan pa kasi siya ng mga tao kinaumagahan. Sa pagmamadali, di sinasadyang nasagi nito ang lamparang nasa ibabaw ng lamisita na nagpasiklab ng apoy.
Bago pa man maikalat nito ang sunog sa buong bahay, nakalabas na si Romi dito. Papaliko na sana siya ng matanaw niya ang buong ka-baryo kasama ang mga kamag-anakan ng mga pasyenteng maysakit na pumunta sa kanya na may dalang sibat at panunog kasabay ng mga sigawang, “Patayin ang mamamatay taong iyan ! Pinatay niya ang mga kamag-anak namin sa maling gamot kuno na pinagbibigay niya. Patayin…!!!!”
Nang makita ito, kaagad siyang umiba ng daan patago sa mga tao. Pabilis nang pabilis ang kanyang pagtakbo habang tumatawa ang isip.
“’ Kala niyo ha! Hindi ako mamamatay. Dalawang tangkang pagpatay sa akin na ang natakasan ko! He! He! He!! Iisipin pa ng mga ulol na taong iyon na natupok na ako ng apoy sa sarili kong pamama hay pagdating nila dun!!”
Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo at wala nang pakialam sa nadaraanan sa paligid kaya’t di na niya napansin pa ang lumaragasang ‘ten wheeler truck’ na walang anu-anong sumagasa sa kanya at kumaladkad sa buo niyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang malagutan ng hininga na nagsilbing kabayaran sa lahat ng mga buhay na inutang niya…..!!!!
*****WAKAS *****

(Unpublished Short Story / March 2005 / )
2 comments:
Thanks for the add over at Blog Catalog. You have great sites. Please visit my blogs also
www.beautyinpageants.blogspot.com and www.sietecontrados.blogspot.com
Karl Zada and Kuh Chara
Hey! Great Blog here!
Post a Comment